Portland Trail Blazers at Denver Nuggets, table na sa game 4 ng first-round series

23

Tabla na ang Portland Trail Blazers sa serye sa 2-2 matapos nitong talunin ang Denver Nuggets sa score na 115-95 sa Game 4 ng kanilang first-round series.

Pinangunahan ni Norman Powell ang Blazers matapos iposte ang kanyang career playoff high na 29 points.


Nagtala rin si Powell ng apat na 3-pointers kung saan nagpasok din siya ng 11 mula sa 15 tira upang tulungan ang Blazers star na si Damian Lillard na meron lamang 10 points, 10 assists at eight rebounds.

Ang serye sa Game 5 sa Miyerkules ay gaganapin na sa Denver.

Facebook Comments