POSD Cauayan, Wagi sa Inter-Agency Responders on Disaster Challenge

19
Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng koponan ng Public Order and Safety Division o POSD Cauayan ang unang pwesto sa ikinasang 1st Mayor Jaycee Dy Inter Agency Responders on Disaster Challenge 2022 sa Lungsod ng Cauayan.

Sampung iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at non-government organizations o NGOs ang nakiisa at nagtagisan ng galing kaugnay sa pagresponde sa kalamidad o sakuna na isinagawa sa Cauayan City Sports Complex nitong Sabado, July 23, 2022.

Matapos ang pagtutuos ay tinanghal bilang first place ang mga pambato ng POSD sa ilalim ng pamumuno ni Ret. Col Pilarito ‘Pitok’ Malillin.

Nakuha naman ng Tactical Operations Group o TOG 2 ng Philippine Air Force ang ikalawang pwesto habang 3rd placer naman ang pambato ng Regional Training Center o RTC 2 ng PNP.

Ang nanalong Top 3 sa Inter-Agency ay magpapakitang gilas at sasabak din sa BROD Challenge Championship sa July 28, 2022 kasama ang mga nagwaging barangay sa bawat region sa Lungsod na gaganapin sa Hacienda de San Luis, Cauayan City.

Nagsilbing guest of honor naman sa kauna-unahang aktibidad si Provincial DRRMO Atty. Watu Foronda.

Facebook Comments