Posibilidad na extension ng ECQ, maximum na ang 15 days ayon kay Government’s National Policy Against COVID-19 Galvez

61

Possibleng 15-days ang pinaka-maximum na araw sakaling palawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ang inihayag ni Government’s National Policy Against COVID-19 Chief Carlito Galvez kaugnay sa posibilidad na extension ng ECQ bilang preventive measures sa posible pang pagkalat ng COVID-19.


Pero sinabi ni Galvez na pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang magiging hakbang sa usapin lalo na at mayroon mga bansa ang nag-lift ng lockdown pero muli nilang ibinalik dahil sa pagkalat ng virus.

Giit ni Galvez, mahirap magmadali dahil may mga reference model na tinitignan ang pamahalaan hinggil dito.

Aminado ang opisyal na malaki ang naitulong ng ipinatupad na lockdown sa pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 at kung ipapatupad ang extension nito ay nasa 15 days na ang maximum.

Facebook Comments