POSIBLENG ANOMALYA SA 2025 NATIONAL BUDGET, PINANINIWALAAN NG ILANG PANGASINENSE

Hindi na umano maiiwasan ang anomalya sa usaping kaban ng bayan ayon sa ilang Pangasinense tulad ng tahasang pahayag ni Former President Rodrigo Duterte sa umano’y blankong pahina sa pirmadong 2025 National Budget.

Ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM News Dagupan ang nagsabi na makikita ang anomalya sa mga kakulangan at problemang kinakaharap ng bansa.

Samantala, may ilan naman na piniling hindi magbigay ng opinyon at hindi manood ng balita dahil mas maigi umanong pagtuunan na lamang ang araw-araw nilang pamumuhay.

Mariin itinanggi at tinawag na sinungaling ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang binitawang pahayag ng dating presidente dahil hindi umano maaaring maipasa ang naturang budget nang may blangkong pahina na dapat niyang malaman bilang naging pinuno ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments