Posibleng foul play sa pagkamatay ng isang driver sa loob ng kanilang tahanan, ini-imbestigahan ng Las Piñas Police

48

Iniimbestigahan ng Las Piñas Police kung may foul play sa pagkamatay ng isang driver matapos matagpuang nakabigti ng sando sa loob ng kanilang bahay sa Las Piñas.

Kinilala ang biktima na si Raymond De Leon, 24-anyos at binata.

Natagpuang nakabitin ang binata kung saan nakapulupot ang sando sa leeg nito.

Agad namang nagpasaklolo sa pulisya ang pamilya ng binata.

Mabilis namang dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa lugar para sa kaukulang imbestigasyon.

Facebook Comments