Posibleng muling pagtatapyas ng interest rate ng BSP, makakatulong sa paglakas ng ekonomiya —DOF

Tiwala ang Department of Finance (DOF) na muling magpapatupad ng interest rate cut ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kasunod ito ng naitalang 2.9% na inflation nitong nagdaang buwan na mula pa rin sa kanilang target na 2% hanggang 4%.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, magandang indikasyon ito na kaya pang magbaba ulit ng BSP ng interest rates na magreresulta ng mas mababang halaga ng interes sa pautang para sa mga tao at negosyo.


Sa pamamagitan aniya nito, mas lalakas ang purchasing power ng publiko na makakatulong sa paglago pa ng ekonomiya ng bansa.

Nitong Enero, pumalo sa 2.9% ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa na kagaya rin noong Disyembre ng nakaraang taon.

Facebook Comments