Posibleng oil spill sa tumaob na ‘MV Hong Hai 16’, pinaaagapan ng isang senador

Pinaaagapan ni Senator Cynthia Villar ang negatibong epekto sa karagatan ng pagtaob ng MV Hong Hai 16 sa karagatan ng Occidental Mindoro na ikinasawi na ng siyam na katao.

Ayon kay Villar, mahalagang matutukan at mapigilan ng mga awtoridad ang potensyal na kahinatnan ng insidente sa ating kapaligiran.

Tinukoy ng senadora ang posibleng oil spill mula sa tumaob na barko na seryosong banta sa ating marine ecosystem, sa pagpaparami ng mga isda, at sa kabuhayan ng mga nasa coastal communities.

Nagpapaalala aniya ang insidenteng ito sa nangyari noong 2023 na paglubog ng MT Princess Empress sa Palawan at pagtaob ng M/T Terra Nova at MTKR Jason Bradley sa Bataan na naging sanhi ng oil spill sa karagatan na sumira at nagdulot ng polusyon sa marine ecosystems at naging banta sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Kinalampag ni Sen. Cynthia ang mga kinauukulan na kailangan ng mas mahigpit na regulasyon, seryosong pagbabantay at panagutin ang mga nasa likod ng insidente.

Facebook Comments