Posibleng pag-mislead sa imbestigasyon ng ICI sa maanomalyang flood control projects, binabantayan ng komisyon

Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na naka-alerto sila sa posibleng pag-mislead sa komisyon sa ginagawa nitong imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, ito ang dahilan kung bakit mahigpit na sinusuri ng komisyon ang mga ebidensya at testimonya na kanilang tinatanggap.

Sinabi ni Hosaka na ang naturang eskandalo ay krusyal at hindi lamang simpleng modus.

Iginiit ni Hosaka na hindi nila palulusutin ng komisyon ang ano mang tangkang pag- whitewash sa imbestigasyon.

Aniya, makakatiyak ang publiko na hahanapin ng ICI ang katotohanan sa mga katiwalian sa flood control projects.

Facebook Comments