Posibleng pagkasira ng kasunduang Term-Sharing sa House Speakership, hindi ikinababahala ng Malacañan

301

Hindi nababahala ang Malacañan sa usap-usapang mababasag ang kasunduang Term-Sharing sa House Speakership ng 18th Congress.

Ito’y matapos pinalutang ng ilang mambabatas na posibleng payagan si House Speaker Alan Peter Cayetano na maupo hanggang matapos ang 18th Congress kahit napagkasunduang maghahati sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa termino.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kumpiyansa ang palasyo na patuloy na maisusulong ng Kongreso ang legislative agenda ng Administrasyong Duterte kahit hindi matuloy ang hatian ng termino sa liderato ng Kamara.

Naniniwala si Panelo na patuloy na susuporta ang mababang kapulungan kahit sino pa ang House Speaker lalo’t pare-pareho naman silang ‘fans’ ni Pangulong Rodrigo Dduterte.

Facebook Comments

From Advertisers