Asahan na umano ang posibleng paglobo sa electric bill ngayong buwan dahil sa patuloy na naitatalang mataas na heat indices sa bansa kahit wala pang opisyal na simula ng summer season.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay CENPELCO Member Services Department Manager Rizalyn Reyes, karaniwang tumataas ang bill ng mga Member- Consumer-Owners dahil sa mataas na pagkonsumo ng kuryente tuwing mainit ang panahon simula Marso hanggang Hulyo.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi tumataas ang electric bill dahil sa ipinapatupad na taas singil ngunit dahil sa mataas na konsumo ng bawat miyembro.
Sa kasalukuyan, wala pa umanong nakaambang taas singil sa kuryente ang CENPELCO.
Sa kabila nito, Tiniyak ng opisyal na patuloy na tinutugunan ng tanggapan ang bawat aberya sa planta at iba pang pasilidad upang makapagbigay serbisyo sa mga konsyumer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨