Posibleng pagtakbo ni Mayor Sara Duterte sa pagkapangulo, mariing tinututulan ni Pangulong Duterte

100

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na tutol pa rin siya sa pagtakbo ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pangulo sa 2022 elections.

Sa interview sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na hinimok niya ang kanyang anak na huwag nang tumakbo sa pagkapangulo dahil isa itong thankless job.


Sinabi rin ni Pangulong Duterte na walang makukuha sa pagiging presidente maliban sa pagkakaroon ng “sense of fulfillment” na may nagawa para sa bayan.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, mabigat ang trabaho ng presidente at mababa lamang ang sahod.

Bukod dito, hindi rin makakaligtas ang presidente mula sa mga puna at insulto mula sa mga kritiko.

Facebook Comments