Posibleng pulong nina Pangulong Marcos Jr., at US President Joe Biden, inaayos pa

77

Posibleng magkaharap at magpulosng sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United States President Joe Biden.

Kasunod ito ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr., sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York sa September 20,2022 kung saan inaasahang magsasalita ito sa harap mga miyembro ng UN.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Tess Daza, inaayos na ang posibleng pag-uusap ng dalawang pangulo.


Gayunman, wala pa aniyang kumpirmasyon kung magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa.

Facebook Comments