POSO CHIEF NG URDANETA CITY NA NANAMPAL NG ISANG BUKO VENDOR, SINIBAK NA SA PWESTO

168
Inalis na bilang Public Order and Safety Office Chief ng Urdaneta City si Francisco Serafica o mas kilala sa pangalang “Palong” matapos ang pananampal nito sa isang buko vendor.
Sa inilabas na pahayag ng Alkalde ng bayan, hindi aniya nito kinukunsinti ang pang aabuso o pisikal na pananakit sa kapwa at tahasang paglabag sa Civil Service Law kung kaya’t agad itong inalis sa kaniyang tungkulin.
Sinabi nito na dapat magsilbing aral ay babala sa lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod ng Urdaneta ang nangyaring insidente.

Ayon naman kay Serafica, makailang beses na raw umanong nitong pinagsabihan dahil sa paulit-ulit na paglabag ng nasabing vendor kung kaya’t nagdesisyon na itong huliin at umabot sa naganap na pangyayari.
Humingi rin ito ng kapatawaran mula sa mga residente ng bayan ng Malasiqui kung saan nakatira ang sinampal na buko Vendor.
Matatandaan na umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko ang video ng pananakit ng dating POSO Chief matapos itong i-upload sa Facebook. | ifmnews
Facebook Comments