Hihigpitan pa ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang seguridad sa kakalsadahan at deployment ng mga personnels para sa mga pedestrian at mga mag-aaral ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase.
Ayon kay POSO Dagupan Chief Arvin Decano, bagamat may ilang kalsada pa ang nasa ilalim ng road elevation ay titiyakin nilang may nakaantabay na personnel upang maging gabay sa trapiko at aalalay sa mga mag-aaral.
Iginiit ng opisyal na may designated pedestrian lanes sa mga paaralan na binabantayan ng mga POSO Enforcers ang dapat gamitin ng mga tatawid.
Kaugnay nito, may mga nakatalaga rin sa mga bahagi kung saan nakikitaan ng traffic congestion lalo inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa unangng araw ng balik eskwela. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments