POSO Enforcer na nakuhanan ng larawan na naninigarilyo sa harap ng simbahan sa Dagupan City, suspendido na

746

Dagupan City – Niinaw ngayon ng Dagupan Public Order and Safety Office o POSO na sinuspinde na nila ang enforcer na nakunan ng larawan habang naninigarilyo sa mismong harapan ng St. John The Evangelist Church sa lungsod.

Matatandaang pumukaw ng atensyon sa netizens ang nasabing facebook posted na umani ng iba’t ibang reaksyon dahilan upang mapansin ng mga kinauukulan. Sa panayam ng iFM Dagupan kay POSO Dagupan Chief, Rob Mejia, tatlong araw na suspension ang ipinataw sa nasabing enforcer na kinilalang si Roger Requizo.


Mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ng Dagupan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar base na rin Executive Order Number 26 Samantala, hindi umano kukunsintihin ng ahensya ang anumang kamalian ng mga POSO enforcers.

Facebook Comments

From Advertisers