Pinatawan ng indefinite suspension ang isang manukan sa Brgy. Babasit, Manaoag matapos ang ilang paglabag sa Sanitation Code na itinakda ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Task Force Kontra Langaw, inirereklamo ng mga residente ang poultry dahil lubos na nakakaapekto sa kalusugan ang pagdami ng langaw sa mga kabahayan.
Sa assessment ng grupo, natuklasan ang ilang depektibo at sira-sirang kagamitan tulad ng nets, cooling pads at vector control program maging ang wastong pamamahala sa mga hazardous materials.
Una nang napatawan ng parehong suspension order ang farm noong nakaraang taon dahil sa parehong paglabag. Epektibo ang suspension hanggang hindi tumatalima sa itinakdang regulasyon ng tanggapan ang naturang farm.
Tiniyak ng tanggapan na paiigtingin pa ang hakbang sa pagtutok sa poultry farm bilang pagpapahalaga sa kalusugan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨