Nasunog ang Isang poultry farm sa Brgy. Gueset, Bugallon noong araw ng Martes.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Senior Fire Officer 1, Mr. Norman Garcia, Chief Investigation and Intelligence Unit ng Bugallon Fire Station, electrical short circuit ang nakikitang sanhi ng sunog sa naturang farm.
Umabot sa halos Isang oras ang sunog bago maapula.
Wala naman umanong nadamay na bahay at wala ring naitalang nasugatan.
Napag-alaman din na ang naturang poultry ay gawa sa pinaghalong concrete, kahoy, at insulation foams na ipinatayo pa noong 2008 at regular naman umanong naiinspeksyon.
Nilinaw ni Chief Garcia na nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa kabuuang danyos ng mga nasunog na alagang manok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments