Poultry industry sa bansa, pinatututukan ng Senado

Ipinapaprayoridad ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay proteksyon sa mga local industries laban sa kakulangan ng suplay ng itlog sa bansa at pagtaas ng presyo nito.

Pinakikilos ni Gatchalian ang DA na maging maagap sa pagiwas na makapasok sa bansa ang highly pathogenic avian influenza (HPAI) na unang puminsala na sa milyon-milyong commercial egg-laying eggs sa Estados Unidos.

Pinayuhan ng mambabatas na makipagtulungan ng maigi ang DA sa mga local poultry farmers upang matiyak ang sapat, abot-kaya at tuloy-tuloy na egg production sa bansa.


Kabilang dito ang pagtugon sa tumataas na presyo ng feeds, pagpapatupad ng disease prevention measures, at pagpapalakas ng mga programa na pagbibigay ng financial assistance tulad ng subsidiya sa mga feeds at veterinary services

Iginiit din ni Gatchalian ang mas mahigpit na monitoring measures upang maiwasan ang hoarding at price manipulation sa produkto na posibleng maging dagdag pasanin sa mga consumers.

Facebook Comments