POWER RESTORATION | Kuryente sa mga lugar na hinagupit ni Ompong malapit nang maibalik

Nasa 76.16% na ang power restoration sa mga lugar na apektado ng bagyong Ompong (Mangkhut) sa hilagang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Undersecretary Felix William Fuentebella, tagapagsalita ng Department of Energy (DOE), access sa lugar ang pangunahing problema sa power restoration, dahil ang mga lugar na apektado ay mayroon ibat-ibang sitwasyon at ibat-ibang terrain dahil ang ilang mga lugar ay flat land, habang ang iba ay nasa bundok.

Base sa rekords ng DOE, mayroon dalawamput dalawang electric cooperatives ang apektado at ang rehabilitasyon ay on going sa labing apat na lalawigan.


Target naman matapos sa September 24 ang tatlong transmission line na nasira ng bagyo sa Cagayan.

Sinabi ni Fuentebella, mahigit dalawang million households ang apektado ng power outages sanhi ng malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Ompong.

Biigyan diin ng DOE ang umiiral na prize freeze sa LPG at kerosene sa mga lugar sa deklaradong nasa ilalim ng state of calamity: kabilang na ang lalawigan ng La Union, Isabela, Ifugao, Abra, Benguet, Kalinga, Tuguegarao City, Ilocos Norte, Pangasinan, Quirino at Ilocos Sur.

Habang lahat ng oil depot sa Luzon ay operational.

Facebook Comments