
Nakipag-ugnayan na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stakeholder upang tiyakin ang maayos na operasyon ng mga RORO (Roll-On/Roll-Off) vessel sa mga pantalan.
Partikular ang mga panatalan sa Tacloban, Calbayog, Catbalogan; Biliran; Ormoc; Manguinoo Port sa Calbayog, Samar; Hilongos; Maasin Port; Naval; Palompon; Calubian at Villaba Port.
Nabatid na ang mga RORO Vessels ang gagawing alternatibong ruta ng mga truck na may mabibigat na kargamento upang mapanatili ang tuloy-tuloy na biyahe.
Ito’y matapos na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office VIII ang pansamantalang tatlong toneladang maximum gross vehicle weight limit sa San Juanico Bridge.
Nakitaan ng problema sa istruktura ang nasabing tulay, na nangangailangan ng agarang aksyon para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit nito.
Base sa advisory ng DPWH, tanging mga sasakyang may bigat na 3 tonelada pababa lamang ang pinapayagang tumawid sa tulay partikular ang mga maliit na 4-wheeled vehicles.