
Hindi namimili ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) sa mga aarestuhin sa umiiral na gun ban.
Ito ang binigyang diin ni Commission on Elections (COMELEC) Spox Atty. John Rex Laudiangco matapos maaresto ang alkalde sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) makaraang maharang sa isang checkpoint sa Davao City nang dahil sa pagdadala ng baril na walang kaukulang permits mula sa komisyon.
Ayon kay Laudiangco, wala silang pinipili anuman ang estado sa buhay at kanila itong ipaghaharap ng paglabag sa omnibus election code.
Paliwanag ni Laudiangco, sa ilalim ng batas, mahaharap sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon ang isang election violator at maaari ring matanggalan ng karapatang bumoto at mapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Si Laudiangco ay naging panauhing pandangal kahapon sa PNP kasabay ng paglulunsad ng 100 days operational activities for 2025 elections.