PRANGKAHAN | Publiko, sawa na sa mga bolerong pulitiko

Manila, Philippines – Naniniwala ang mga lider ng Kamara na dahil sa pagiging prangka at natural ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaya tumaas ang satisfaction rating nito ngayong huling quarter ng taon.

Sa latest SWS survey mula December 8 hanggang 16, tumaas ng anim na puntos o mula +8 ay tumaas ang ratings nito sa +14.

Ayon kina Deputy Speakers Raneo Abu, Eric Singson at Gwen Garcia, nagugustuhan na ngayon ng mga tao ang pagiging prangka at totoo ni Speaker sa bawat mga isyu.


Hindi anila negatibo ang pagiging prangka ni Alvarez patunay na sawa na ang mga tao sa mga politikong bolero at maninira.

Bukod dito, nakikita na rin ng mga tao ang mga accomplishments ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Alvarez kung saan mas binibigyang prayoridad ang mga panukala tungkol sa kapakanan at pangangailangan ng mga tao.

Facebook Comments