Prangkisa ng mga water concessionaires, inaprubahan na ng Kamara

49

Inaprubahan na ng House of Representatives sa pangatlo at huling pagbasa ang prangkisa ng Maynilad Water Services, Inc at Manila Water Company, Inc.

Sa naganap na botohan, nakakuha ng botong 206-7-0, kasabay ng pag-apruba ng House Bill 9422.


Sa kabilang banda, ang House Bill 9423 ay nakakuha ng 206 sang-ayon habang pito ang hindi bumoto.

Sa ilalim nito, ang Maynilad at Manila Water ay papayagang paunlarin pa ang sistema ng patubig sa buong bansa.

Ang prangkisa ay tatagal ng 25 years, maliban na lamang kung ito ay bawiin ng kongreso kung kinakailangan.

Facebook Comments