PRB Secretariat Division ng PRC, pansamantalang isinara matapos magpositibo sa COVID ang ilang empleyado

31

Pansamantalang sarado ang PRB Secretariat Division ng Professional Regulation Commission (PRC) na nasa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang apat na empleyado ng tanggapan.


Ang PRB Secretariat Division ng PRC ay mananatiling sarado hanggang sa January 22, 2021 upang bigyang-daan ang disinfection at pagsasagawa ng contact tracing sa mga apektadong personnel at kliyente.

Ang mga kawani na tinamaan ng COVID-19 ay nasa ilalim na ng strict quarantine gayundin ang mga taong may exposure o close contact sa mga nagpositibo.

Ito ay habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab tests.

Tiniyak naman ng PRC na mahigpit nilang ipinatutupad ang health protocol ng Department of Health (DOH) at kaukulang ahensya upang maprotektahan ang kanilang mga tauhan ay mga kliyente.




Samantala, para maiwasan na mahinto ang serbisyo ng PRB Secretariat Division ay nagpapatupad na ang PRC ng work from home arrangement.

Facebook Comments