PRC, hinikayat ang mga Pilipinong mag-donate ng dugo

360

Hinikayat ng Philippine Red Cross (PRC) ang maraming Pilipino na mag-donate ng dugo bilang tulong sa pagsalba sa buhay ng iba.

Ayon kay PRC Chairman Senator Dick Gordon, tulong ang pagdo-donate ng dugo para mapabuti ang mental health, emotional health at kalagayan ng katawan.


Habang malaki rin ang magagawa nito para maging parte ng tagumpay sa medical procedures tulad ng surgeries, cancer treatments, managing diseases, at disorders.

Sa ngayon, as of September 2021, ay nakatulong na ang PRC sa 98 blood facilities sa bansa kung saan namahagi ng 50% dugo.

Facebook Comments