PRC, nagbabala sa pekeng PRC Facebook page 

51

Nagbabala ang Professional Regulations Commission (PRC) sa publiko sa isang unofficial Facebook page na may impormasyon ng Pre-Board Examination para sa Professional Teachers na kumakalat sa social media. 

Sa statement, sinabi ng PRC na ang nasabing FB page ay hindi konektado sa kanila sa anumang paraan. 

“The same is not conducted by PRC nor is it connected to PRC in any way,” ayon sa PRC. 

Iginiit ng PRC na wala silang pananagutan sa nilalaman ng anumang impormasyon ng nasabing Facebook page lalo na at hindi ito opsiyal na inilathala. 

“PRC therefore is not accountable for the accuracy, veracity, or content of any information provided or appearing from the said Facebook Page as they are not officially published by PRC,” dagdag ng ahensya. 

Ang official website ng PRC ay www.prc.gov.ph at kanilang official facebook page ay https://www.facebook.com/professionalregulationcommission. 

Facebook Comments