PRC, naglaan ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bushfire sa Australia

56

limang milyong piso ang donasyon ang ibibigay ng Philippine Red Cross o PRC sa mga biktima ng Australian bushfires.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon, ia-abot nila ang donasyon sa kinatawan ng embahada ng Australia dito sa Pilipinas.

Sa impormasyong natanggap ng PRC ay umaabot na 26 ang nasasawi sa malawakang sunog na nagaganap sa australia na sumasaklaw sa halos walong milyong ektaryang lupain.

Kaugnay nito ay binigyang-diin naman ni Senator Sonny Angara, na ang trahedya ngayon sa Australia ay patunay kung gaano kalupit ang epekto ng climate change sa sangkatauhan at kalikasan.

Dahil dito ay hinikayat ni angara ang lahat na makiisa sa mga hakbang na tumutugon sa climate change.

Facebook Comments