PRC, namigay ng ₱1.8-M na halaga ng wheelchair para sa mga PWD

26

Tumanggap ng ₱1.8 milyon at 100 wheel chairs na donasyon mula sa TCL Company ang Philippine Red Cross (PRC).

Ang mga donasyon ay bilang bahagi ng “Be a Christmas Hero Campaign” na inilunsad ng kompanya noong nakaraang taon.


Ito ay pinagkaloob naman ng PRC sa mga mahihirap na pasyente sa ilalim ng PRC Samaritan Program.

Kasama rin sa mga tumanggap ang mga Persons with Disabilities (PWD) at mga matatanda na lumapit sa PRC para humingi ng tulong.

Ang pamamahagi ng wheel chair ay sinaksihan ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon, PRC Secretary Gen. Elizabeth Zaballa at mga kinatawan ng TCL.

Facebook Comments