PRC, umapela ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Odette

Umapela ng donasyon ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa PRC, kabilang sa mga kailangan ngayon ng mga biktima ng bagyo ay mga sleeping kit gaya na; kumot, kulambo, food packs at iba pang relief items.

Nagpadala na ang PRC ng mga food truck at nagtayo na rin ng mga evacuations site para sa mga naapektuhang indibiwal.


Para sa mga nais mag-donate sa PRC ay maaring mangtungo sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City o magpadala ng tulong sa pamamagitan ng kanilang bank account na makikita sa kanilang Facebook account.

Facebook Comments