PRE-DEPARTURE ORIENTATION SEMINAR O PDOS SA ILOCOS REGION, PANSAMANTALANG SUSPENDIDO

Pansamantalang sususpendihin ang Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS Sa Ilocos Region upang bigyang-daan ang Hatid-Sundo/ Uwian na Program ng pamahalaan simula June 22 hanggang July 31 ngayon taon.

Pansamantalang sususpendihin ng Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare Office 1 o OWWA RW01 ang PDOS upang bigyang daan ang programa ng pamahalaan na Hatid-Sundo/Uwian na Program para sa mga Returning Overseas Filipino na uuwi sa Pilipinas galing abroad na mula din sa International flights sa pamamagitan ng Laoag International Airport o LIA.

Nakatakda umanong i-deploy ang mga manggagawa ng OWWA para sa pag-iimplementa ng programa ng pamahalaan matapos tanggapin ng Provincial Government ng Ilocos Norte o PGIN ang mga Returning Overseas Filipino na mula sa ibang bansa dahil sa epekto ng pandemya.


Facebook Comments