Pre-trial ni dating PNP Chief Alan Purisima, hindi itinuloy ng Sandiganbayan

37

Manila, Philippines – Hindi itinuloy ng Sandiganbayan angpre-trial ni dating Philippine National Police Chief Alan Purisima.
  Kaugnay ito ng kinakaharap nitong kasong graft sa umano’ymaanomaliyang courier service deal na pinasok ng PNP noong 2011
  Dahil dito, itinakda na lamang ang pre-trial kay Purisimasa Hunyo para bigyan ang prosecution at ang defense panels na makumpleto angpreliminary conference para sa nasabing kaso.
  Nabatid na sa mayo 9 naman nakatakda ang preliminaryconference.
  Samantala, sinabi naman ng prosecution na magsusumite rinsila ng supplemental pre-trial brief para sa nasabing kaso.
  Magugunita, na sinampahan si Purisima ng kasong graftdahil sa umano’y maanomaliyang kontratang pinasok ng PNP noong 2011 sa courierservice company na Werfast Documentary Agency, Inc. para sa delivery ng mgalisensya ng mga baril ng mga aplikante.
 

Facebook Comments