Pre-Trial Sa Kaso Ni Dating Pnp Chief Alan Purisima, Kinansela Muna Ng Sandiganbayan

MANILA – Kinansela ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong graft laban kay dating PNP Chief Alan Purisima at labing anim na kapwa akusado nito.Ito ay may kaugnayan sa maanomalyang kontrata ng gun licence delivery na pinasok ng pnp sa werfastDumating si Purisima sa anti-graft court kaninang umaga para sa pre-trial, pero dahil sa bigong matapos ang marking of exhibits, itinakda na lamang ng Sandiganbayan sa April 18, 2017 ang pre-trial.Matatandaan na sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, kwestiyonable raw ang kontrata ng PNP sa werfast para sa mandatory courier service ng mga lisensya ng baril, noong pinuno ng pambansang pulisya si Purisima.Sinasabing hindi dumaan sa public bidding ang werfast bukod pa sa hindi rehistrado ito nang ibigay ang kontrata noong may 2011.

Facebook Comments