PRE-WORK OUT DRINK | Miss International 2013 Bea Rose Santiago, nagkaroon ng sakit

125

Manila, Philippines – Ibinahagi ngayon ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago ang kaniyang naging karansan sa pag-inom ng mga pre-work out drink.

Nabatid kasi na na-diagnose ng mga doktor ang beauty queen na mayroong chronic kidney disease dahil sa pag-inom ng mga pre-work out drink na may negatibong epekto sa katawan.

Sa kanyang instagram stories, binalaan niya ang kaniyang mga fans na mag-ingat sa pag-inom nito bago ang heavy workout.

Ayon pa kay Bea Rose, huli na nang kanyang malamang marami ang nakararanas ng chronic kidney disease dahil sa kaparehong gym lifestyle.

Kwento pa ni Bea Rose, nagpunta siya sa ospital upang ipa-checkup lamang ang kanyang nararanasang matinding migraine pero laking gulat niya nang malamang sa kanyang bato pala nag-ugat ang kanyang iniindang sakit sa ulo.

Payo pa ni Bea sa publiko, kumunsulta muna sa doktor bago simulan ang anumang uri ng diet o gumamit ng pre-workout drink dahil posibleng makasama ito sa katawan.

Facebook Comments