Preliminary investigation sa banta ni VP Sara, isinagawa ngayong Biyernes sa DOJ

Tumagal lamang ng halos kalahating oras ang preliminary investigation sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay iyan sa sinabi ni VP Sara noong nakaraang taon sa isang online press conference kung saan nagbitaw ito ng matapang na pahayag laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Dahil sa pahayag na iyan ni Duterte noong November 23 ng nakaraang taon, nahaharap sa reklamong grave threats at inciting to sedition ang pangalawang pangulo.

Ngayong Biyernes, personal na dumalo si VP Sara sa Department of Justice upang magsumite ng kontra salaysay bilang sagot sa reklamo ng NBI.

Ayon kay Atty. Michael Poa, tiwala sila sa proseso ng batas at ayaw nilang iugnay ito sa politika.

Sa isang ambush interview naman kanina, tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may due process sa imbestigasyon.

Sa susunod na Biyernes, May 16 ang susunod na preliminary investigation kaugnay dito pero hindi pa sigurado kung dadalo pa ulit ang pangalawang pangulo.

Facebook Comments