Premiere night ng pelikulang “KontrAdiksyon,” dinaluhan ni PRRD

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa premiere ng political action thriller na “KontrAdiksyon,” isang pelikula tungkol sa kampanya ng pamahalaan kontra ileglal na droga.

Ginanap ang premiere sa SM Megamall sa Mandaluyong City kagabi.

Ang pelikula ay sa direksyon ng award-winning writer at musician Njel De Mesa.


Sa kanyang talumpati, iginiit ng Pangulo na sinisira ng droga ang mga pamilya at ginagawang korap ang mga police official.

Pinatutsadahan din ng Pangulo ang ilang obispo at pari.

Muli ring iginiit ng Pangulo na aakuin niya ng buo ang madugong anti-narcotics crackdown.

Facebook Comments