Premyo ng mga nanalo sa “Wi-Fi Mo, Sagot ng DZXL Radyo Trabaho,” ihahatid ngayong araw

28

Muling lalabas ngayong araw ang team ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) para personal na i-deliver ang premyo ng mga nanalo sa ating “Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.

Ito ay para sa ating Week 3 draw at patuloy na pamimigay ng prepaid home Wi-Fi.

Unang pupuntahan ng LBMS team si Jayson Carilla ng Maypajo, Caloocan City at Marieta Ombac ng Commonwealth, Quezon City.

Una nang nakatanggap ng prepaid home Wi-Fi ay sina Rocel Padilla Bergado ng Sta. Ana, Maynila at Nora Gatchalian ng Tunasan, Muntinlupa City para sa Week 1 draw.

Habang sa Week 2 ay sina Rose Marie Gumbo ng Cembo, Makati City at Klyde Raetrell Nacua ng Matulas, Valenzuela.

Samantala, sa mga gusto pang sumali sa Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo, manatiling nakatutok sa mga programa ng DZXL 558.

Maaaring tumawag sa DZXL hotline 8882 2376 kapag narinig na ang jingle ng Radyo Trabaho o mag-comment sa Facebook page ng RMN DZXL 558 Manila at sundin lamang ang mechanics.




Facebook Comments