
Welcome sa Malacañang ang presensya ng mga dayuhang election observer sa halalan sa Lunes.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang nakikitang problema ang Palasyo sa mga inimbitahang election expert lalo na kung walang halong pamumulitika.
Mas mainam pa nga aniyang makita ng mga ito na malinis ang eleksyon sa Pilipinas.
Nabatid na aabot sa higit 200 na election experts sa Pilipinas ang mag-oobserba sa gaganaping midterm elections, kung saan karamihan ay mula sa European Union (EU).
Ayon sa EU team, layon ng kanilang misyon na makapag-ambag sa integridad ng halalan nang hindi nanghihimasok sa resulta nito.
Facebook Comments