Presensya ng mga pulis, dodoblehin ngayong Christmas Season ayon sa COVID Shield

100

Magpapakalat pa ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang pulis sa mga lugar na inaasahang pupuntahan ng maraming tao ngayong Christmas Season sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Joint Task Force COVID Sheild Commander Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, dodoblehin na ang police visibility sa areas of convergence.


Kabilang aniya rito ang mga tiangge, simbahan, malls, pantalan, terminal at iba pang lugar na maraming tao.

Nagpaalala si Binag sa publiko na sundin ang minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holidays.

Facebook Comments