Presensya ng mga pulis sa Divisoria, dadagdagan dahil sa pagdami ng tao

42

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas kay Manila Police District (MPD) Director PBGen. Rolando Miranda na dagdagan ang mga pulis na naka-deploy sa Divisoria.

Ito ay dahil sa dumaraming tao sa lugar para mamimili lalo’t nalalapit na ang pasko.


Ayon sa PNP Chief, nagkausap na sila ni Miranda at tiniyak na mananatili ang mga pulis sa lugar para bantayan ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols.

Sinabi pa ni Sinas na hindi maiiwasan ang pagdami ng tao at pagsisikip ng trapiko sa lugar lalo pa sa muling pagbubukas ng mga negosyo.

Gayunpaman, pinasisiguro ni Sinas sa mga pulis na masusunod pa rin ang physical distancing sa tulong na rin ng barangay enforcement teams.

Facebook Comments