Presidente Duterte bibisita sa North Cotabato

25

Personal na kakamustahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magsasaka sa North Cotabato. Sinabi ni Senador Bong Go na nakatakda ito sa Biyernes.

Magiging pulong-pulong ang set up ng pakikipag-usap ng Chief Executive sa mga magsasaka na doon ay inaasahang personal na makikinig ang Pangulo sa hinaing ng mga magsasaka.


Kinumpirma din ni Go na ang gagawing pagtungo ng Pangulo sa North Cotabato ay may kinalaman sa ulat tungkol sa mga equipment na panggapas na umano’y hindi naman nagagamit.

Dagdag ng senador na hanggang ngayong Huwebes inaasahang mag wo-work from home ang Presidente.
Google Pic

Facebook Comments

From Advertisers