
Maghahain na rin ng pagbibitiw si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon.
Ito ang nilinaw ni Gadon matapos na nauna na siyang nagsabi sa isang media interview na di siya maghahain ng courtesy resignation dahil siya ay presidential adviser at hindi cabinet members.
Pero, matapos umanong linawin ni Press Officer Claire Castro ang guidelines at linawing isang re-calibration ng gabinete ang hinihingi ng pangulo, inanunsyo ni Gadon na ngayong araw ay maghahain siya ng courtesy resignation.
Facebook Comments