Presidential debate sa pagitan ni US President Donald Trump at Joe Biden, inirekomendang ipagpaliban muna

43
Photo Courtesy: New York Times

Inirekomenda ni Democratic Presidential Candidate at dating Vice President Joe Biden na huwag munang ituloy ang nakatakdang presidential debate sa pagitan nila ni U.S. President Donald Trump.

Ito ay matapos na unang magpositibo si Trump sa COVID-19 at sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa White House.

Ayon kay Biden, dapat na sundin ang health protocols at ipagpaliban na lamang muna ang debate hanggang sa tuluyan nang makarekober si Trump.

Sa kabila naman ng pagbuti ng kalagayan ni Trump, marami pa rin sa kanyang mga empleyado kabilang ang iba sa kanyang top aides ang nagpositibo sa virus.

Facebook Comments