Presidential Spokesman Harry Roque, In-escort ng lifeguard pabalik matapos siyang mag-swimming ng malayo sa pampang sa Boracay

96

Ikinuwento ni Presidential Spokesperson Harry Roque na in-escort siya ng lifeguard pabalik matapos siyang mag-swimming ng malayo sa pampang sa Boracay.

Ayon kay Roque, napansin niya na napadpad na siya sa malayo kaya pinuntahan siya ng lifeguard.

“Akala ko naman I was going from one point of the coast to another, hindi ko napansin na napadpad na ako sa malayo. So anyway, pumunta sa akin ‘yung lifeguard naman although hindi ako nagpatulong sa lifeguard,” sabi ni Roque.

Aminado ang kalihim na posibleng nag-‘panic’ na siya kung walang nag-abiso sa kanyang lifeguard.

“Tinabihan lang niya ako as I went back. I never realized I was so far away from the shore and of course it took me a long time to get back. Pero siyempre pinanindigan ko na I swam all the way back, hindi ako kumapit,” paglalahad ni Roque.

Nagpapasalamat si Roque sa lifeguard na nakilala niya sa pangalang Florentino dahil sa pagiging tapat sa kanyang katungkulan.

Nabatid na binisita ni Roque ang Boracay nitong weekend kasabay ng pagbubukas nito mula sa mga turista sa labas ng Western Visayas noong October 1.




Facebook Comments