Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinaliwanag ang nag-viral na video habang kumakanta sa videoke sa Baguio City

347

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang video na nagviral kung saan makikitang kumakanta siya sa videoke sa Baguio City noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Roque, nag-unload lamang siya matapos ang naranasang pagod sa nagdaang linggo.


Gayunman, ang nasabing viral na video ay umani ng batikos mula sa mga netizen lalo na’t nababagalan umano sila sa tugon ng Gobyerno matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Paglilinaw naman ni Roque, patuloy ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo partikular ang mga apektado ng malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan Valley.

Facebook Comments