Presidential Spokesperson Harry Roque, muling nagpositibo sa COVID-19

103

Inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasalukuyan siyang nasa ospital matapos magpositibong muli sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na dapat mas maging maingat ang publiko lalo na ngayong mas nakakahawa ang virus.


Matatandaang noong Marso 25 ay gumaling na si Roque sa sakit matapos na unang magpositibo noong Marso 15.

Si Roque ay mayroong co-morbidity dahil sa kaniyang sakit na Diabetes at Hypertension.

Facebook Comments