Presidential Spokesperson Roque, nilinaw na wala sa kanyang agenda ang senatorial bid

47

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala sa kanyang agenda ang pagtakbo sa pagiging senador sa susunod na halalan.

Ayon kay Roque, nakatuon lamang siya ngayon sa kanyang kasalukuyang trabaho bilang tagapagsalita ng Pangulo sa halip na isipin ang kanilang kinabukasan sa pulitika.


Noong 2018, nagbitiw si Roque bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbo sa isang elective post.

Binitawan ni Roque ang kanyang kandidatura sa pagkasenador noong 2019 matapos sumailalim sa heart procedure.

Bumalik si Roque sa Malacañang noong Abril 2020.

Facebook Comments