PRESIDENTIAL SPOX | PRRD, gusto galing media ang kanyang maging tagapagsalita

263

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay patuloy siyang naghahanap ng bagong tagapagsalita.

Ayon kay Pangulong Duterte – si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay pansamantala lamang magiging presidential spokesperson.

Hindi na rin idinetalye ng Pangulo kung sinu-sino ang mga napipisil niyang maging presidential spokesperson pero nais niya na galing ito sa media.

Matatandaang sinalo ni Panelo ang pwesto matapos itong iwan ni Harry Roque na tatakbo sa Senado sa 2019 elections.

Facebook Comments