Preso, nagpatiwakal sa detention cell

46

Pagadian, Philippines – Patay ang isang preso matapos magbigti sa loob ng detention cell ng PNP Josefina, Zamboanga Del Sur.

Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 59-anyos na preso na nagbigti sa loob ng kulungan alas 7:45 kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Gomez Gooc, nabatid na ang biktima ay ikinulong dahil sa kasong homicide.

Ayon kay PO3 Jonathan Pomia ang imbestigador ng Josefina PNP na ginamit ng biktima ang lubid na ginawang sinturon.

DZXL558, Kenneth Bustamante

Facebook Comments