Preso, patay matapos atakehin sa puso sa loob ng selda sa Zamboanga

21

Zamboanga City – Patay ang isang bilanggo matapos umano itong atakihin sa puso sa loob ng kanyang detention cell sa Zamboanga City.

Isinugod pa sa pagamutan si Emilio Locsin Labonita pero idineklarang dead-on-arrival na ito.

Bago atakihin sa puso ay humingi pa ng tulong si Labonita sa duty officer na si PO1 Al-Abil Asmad at sinabing nahihirapan siyang huminga.

Agad namang isinakay sa ambulansya ang biktima subalit posibleng nalagutan ito ng hininga sa biyahe.
DZXL558

Facebook Comments