Preso, patay sa pananambang sa Cebu

Cebu – Patay isang preso matapos tambangan habang papunta sa hearing ng kaniyang kaso sa Sitio Lala-An sa Barangay Bulasa, Argao,.

Kinilala ang nasawi na si Tocelio Dibalucos Ababon na kinilalang right-hand man ng self-confessed drug lord na si Franz Sabalones.

Nagtamo si Ababon ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo at nadala pa sa Argao District Hospital pero binawian rin ng buhay.


Maswerte namang nakaligtas ang mga police escort nito.

Nabatid na si Ababon ay naaresto noong Disyembre 29, 2018 sa isang buy-bust operation sa nasabing bayan kung saan narekober sa kaniya ang P10.2 milyon na halaga ng ilegal na droga.

Facebook Comments